Latest

Wednesday, July 4, 2018

San Juanico Bridge: Tulay na May Pundasyon ng Dugo ng Tao


Maraming mga kamangha-manghang mga kuwento kung paano nabuo ang mga sikat na mga istruktura. Maaaring ito ay isang kuwento ng mahirap na trabaho at matagumpay na pagtutulungan ng mga manggagawa sa kasaysayan, kahusayan, atbp na nagbibigay ng inspirasyon sa sinuman na nakakarinig sa kwentong ito.

Ngunit hindi lahat ng sikat at ma-alamat na mga istruktura sa kasaysayan ay may magandang kuwento sa likod ng mga ito, ang ilan ay may nakakagimbal at nakakatakot o madugong mga kuwento na maaaring katakutan o iwasan ng mga tao kung mapadaan sila dito.

Ngunit maiiwasan mo bang dumaan sa mga istrukturang may nakakagimbal na kwento kung kailangan mong dumaan dito dahil ito lang ang daan sa transportasyon? Sabihin natin na isang tulay.
Philippine Urban Legends,  Alamat ng San Juanico Bridge
Ang San Juanico Bridge ay bahagi ng Pan-Philippine Highway at na nagdudugtong mula sa Samar hanggang Leyte sa kabila ng San Juanico Strait. Ito ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na sumasaklaw sa bahagi ng tubig. Ito ay proyekto ni Ferdinand Marcos na nagkakahalaga ng mahigit $29 Milyon Dolyar. Nagsimula ang konstruksiyon noong 1969 sa San Juanico Strait mula sa Cabalawan, Tacloban City na natapos noong 1973.

Nasaksihan ng mundo ang pag-angat at pagbagsak ng Pilipinas sa ilalim ng Martial Law. Ang isa sa mga kilalang proyekto noong Martial Law period ay ang tanyag na San Juanico Bridge.

Ayon sa mga kuwento, ipinag utos daw ang mga curfew sa buong bansa at ang isang dahilan ay para walang sinuman ang makakikita kung paano itinatayo ang tulay sa gabi. Marami daw mga inosenteng bata ang kinuha  dahil ginagamit ang dugo  para ihalo sa semento na magpapatibay sa pundasyon ng nasabing tulay. Sinasabing maraming bata ang nawala ng mga panahon na iyon ngunit dahil ang bansa ay nasa ilalim ng Martial Law walang naglakas ng loob batikusin ang gobyerno.
Philippine Urban Legends,  Alamat ng San Juanico Bridge
Ayon sa urban legend ang dahilan sa nakagigimbal na kuwentong ito ay dahil si First Lay Imelda Marcos daw ay bumisita sa isang manghuhula at ikinunsulta kung paano itatayo ang matibay na tulay.

Binalaan daw ng manghuhula si Imelda na hindi matatapos ang kunstruksiyon ng tulay kung hindi sila gagawa ng ritwal. Ang mas nakakakilabot sa kuwentong ito ay sinabi daw ng manghuhula na ang sangkap na dapat gagamitin sa tulay ay dugo ng mga bata kaya sinunod ni Imelda ang suhestiyon ng nasabing manghuhula at madaming bata ang dinukot at nawala sa panahon na itinatayo ang San Juanico Bridge.
Philippine Urban Legends,  Alamat ng San Juanico Bridge
Ginigilit daw ang leeg ng mga bata  at kinukulekta ang mga dugo, inihahalo sa semento bilang isang pormal na alay na magpapalakas sa pundasyon ng tulay.

 Simula noon, ang alamat ng San Juanico Bridge ay naging kaugnay ng mga sari saring Ghost Stories.
May mga nagsasabi na nagpapakita ang mga batang pinatay sa tulay at humihingi ng tulong.  May mga nakakakita rin sa gabi na may mga batang nakatayo sa gilid ng tulay na nadadaanan ng kanilang sasakyan.

No comments:

Post a Comment