Latest

Tuesday, August 14, 2018

Mga Nagbebenta ng Hyssop Eyedrop Nagpapakalat ng Kasinungalingan


Hyssop Eyedrop, eye spa

Ang Hyssop ay isang uri ng pamatak sa mata na sinasabing nakakagaling ng ibat-ibang uri ng sakit sa mata katulad ng sore eyes, cataract, floaters, pamumula ng mata, ayon din sa mga nagbebenta nito ay nakakaalis ito ng pterygium at iba pa. Ito ay kadalasan makikita sa mga online store at ibat-ibang buy and sell facebook pages.

Siguro nga ay may maganda itong epekto sa mata, ngunit ang lubhang nakakabahala ay ang mga kasinungalingang pinapakalat ng karamihan sa mga nagbebenta nito na kapag ginamit mo ang EYE SPA na ito ay marami kang makikita at matatanggal na mga kiti-kiti sa iyong mga mata.

Hyssop, Eye Spa

Sa video na ini-upload ng isang facebook page, ipinakita na  di umano ay napakaraming parasites ang nakuha sa mata ng taong gumamit ng Hyssop Eye Spa. Makikita sa video na tila kulay berde ito at naggagalawan matapos lagyan ng alcohol.



Ito ba ay isang totoong parasites? O gumamit sila ng tuway-tuway upang linlangin ang mga mamimili? Sa episode ng Jesica Soho ay ipinakita kung paano ginagawa ang technique na ito.

Panoorin ang video:


Ang mga gumagalaw na nakukuha sa mata ay hindi isang parasite, ito ay isang chemical reaction na nangyayari kapag nalagyan ng alcohol ang sinasabing katas ng tuway tuway na katulad sa ginagawa ng mga ilang nagbebenta ng Hyssop Eye Spa.

Para rin sa kalaaman ng nakakarami ay  imposibleng makakakuha ng ganoon karaming mga kiti-kiti katulad ng pinapalabas ng mga nagbebenta ng Hyssop Eye Spa.

May mga ilang uri ng parasites sa ating mata katulad ng Thelaziasis, ito ay kadalasan makikita sa mga bansang United States, Nepal, China, Thailand, Taiwan, Russia, Italy, France, India, and Japan.

Thelaziasis

Ngunit hindi ito kulay green, taliwas sa pinapakita ng mga seller ng Hyssop.

Ang isa naman ay ang kilalang Loa loa at ang carrier nito ay ang horseflies na wala sa Pilipinas, ito ay common sa West Africa.

Loa loa

Maging tapat po tayo at huwag manloko o manlinlang ng tao para lamang kumita. Hindi natin ikakaila na marahil ay totoong may ilang magandang epekto ang Hyssop Eye Spa na ito, pero kung hahaluan natin ng kasinungalingan at kung ano-anong strategy na hindi naman totoo. Dapat mag-ingat at magdalawang isip ang mga mamimili.

No comments:

Post a Comment