Latest

Thursday, November 21, 2019

Magulang na Gustong Matanggalan ng Lisensiya ang Isang Guro, Inalmahan ng mga Netizen

MELITA LIMJUCO

Umalma ang mga guro at ibang netizens sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action dahil sa hiling ng magulang ng bata na magresign ang guro  at matanggalan ng lisensiya sa PRC kung ayaw mademanda dahil sa ginawang pagdidisiplina sa nasabing estudyante.

Ayon sa  mga netizens masyadong overkill ang gusto ng magulang na mawalan ng trabaho at mawalan ng lisensya ang nasabing guro.


Umalma rin ang ang anak ng guro na si Kyla Limjuco at sinabing mali ang paratang ng mga magulang na nagreklamo:

"Ilang araw ang nakalipas simula nang mapag-usapan at umere sa Social Media ang usaping ito.

"MOMMY IPINA-TULFO ANG PASAWAY NA TEACHER NG KANIYANG ANAK!"

GNG. MELITA LIMJUCO, 54 TAONG GULANG. Guro mula sa mababang paaralang Epifanio Delos Santos na nagturo at nagserbisyo sa loob ng " DALAWAMPU'T SIYAM (29) NA TAON ".

At dahil mayroong kalayaan sa pagpapahayag bilang karapatang pantao, tulad ng pangyayaring ito. Ako naman ang magbabahagi ng aking sariling saloobin.

Samut-saring reaksyon ang nakita, nabasa at nabalitaan namin mula sa mga iba'-ibang taong NAKAKAKILALA man o HINDI sa nasabing guro na nagkataon ay NANAY KO PO. Karamihan sainyo'y may mga MATANG walang tigil sa kakapuna, BIBIG na puno ng haka-haka at sabi-sabi, TENGANG mapang husga na kung ano lang ang marinig ay agad pinaniniwalaan, ISIP na walang malawak na pang-intindi at pang-unawa at KAMAY na walang ginawa kundi' ang magbahagi ng NEGATIBO AT HINDI KAAYA-AYANG komento sa nangyaring insidente gamit ang facebook, messenger, youtube sa pamamagitan ng PAGMUMURA NANG PERSONAL SA SARILI KO PONG INA. NI MINSAN HINDI PO KAYO NAKATULONG SA SITWASYON, HALATANG WALANG ALAM MAGING SA AKSYON NA GINAGAWA. GANUN PA MAN' ANG NAKATATAAS NALANG PO ANG BAHALA SAINYO .

UMPISA palang, wala pong itinangging pangyayari. INAMIN ang kamalian kahit wala pang bakas ng CCTV. HUMARAP at NAKIPAG-USAP, HUMINGI NG PASENSYA AT PATAWAD tungkol sa nangyari.

PERO ANG SINUKLI ay isa pang KAHIHIYAN at DINAGDAGAN PA NG MGA KUNG ANO-ANO AT WALANG KWENTANG KUWENTO PARA LANG MAPASAMA ANG IMAHE NG ISANG TAO?"



Samantala, nakatanggap ng napakaraming suporta sa social media ang inireklamong guro:






Sa inyong opinyon, dapat bang tanggalan ng lisensya at mawalan ng trabaho ang guro dahil sa kanyang ginawa? O hindi makatarungan ang gusto ng magulang ng bata?

20 comments:

  1. Akala siguro ganun kadali maging isang guro, ang daling sabihin na tanggalan ng lisensya sa konting pagkakamali ng teacher. FYI tao po si teacher hindi robot. Kung ang pari nakakapagmura dahil hindi napigilan ang galit at nakakagawa ng kasalanan. Napapatawad ng DIYOS! Si teacher napapagod din. Katulad ng sinasabi namin na minsan kahit 1 buwan lang try nyo magturo 50-70 students sa isang section and 5 sections ang tuturuan mo sa isang araw. Tingnan nyo kung kaya nyo disiplinahin ang mga bata ng hindi mauubos ang pasensya nyo.
    👋👋👋 Hahanga ako sa inyo pag nagawa nyo Mr. Tulfo.

    ReplyDelete
  2. Sana ikaso na lang para pagbayaran ng Tulfo In Action at mga magulang ng bata ang pamamahiya sa kanya.

    ReplyDelete
  3. Alamin nyo sana sitwasyon ng teacher, everday madaming hawak na students, iba't ibang ugali ang meron sila... Pag ito nagpatuloy marami gurong Pilipino ang mapipilitang magtrabaho abroad dahil isang pagkakamali ng teacher marami agad parusa samantala ang mga bata paulit-ulit sa maling gawa dinidisiplina ng maayos... Ayaw nila magpadisiplina.... Edi wooowww... Good luck PILIPINAS...

    ReplyDelete
  4. This is why the generation of today is very much disrespectful and irresponsible because of tolerance. So much hate.

    ReplyDelete
  5. Sa ginawa ng lola na ito at ng magulang na pgsumbong kay tulfo...cila ngayon ang ngpahiya sa sarili nila. Khit cguro lumipat cila ng skul malamang tatanggihan cila.

    ReplyDelete
  6. Dapat idinaan sa tamang proseso hindi sa Tulfo. Sinong may karapatan magtanggal ng lisensya na walang due process?

    ReplyDelete
  7. Nag apologize na sa kanila ang teacher. Dapat ay itinuturing nyong partner nyo ang mga teachers sa paghuhubog sa inyong mga anak. Pagdidisiplina na nakikitang magiging epektibo sa kanila buhat sa mga guro ay dapat suportahan ng mga magulang. Kung hindi nyo gagawing partner sa paghubog sa inyong mga anak ang mga guronh ito ay lalaki ang bata at isang araw kayo ang suwagin. Mas mabuting may takot sa magulang at guro upang lumaking disiplinado at hindi maging sakit ng ulo maging ng gobyerno.The teacher is apologetic enough to be forgiven. Applogies dahil hindi nagustuhan ng magulang o ng lola. Mas madaling pakiusapan ang bata pero hindi ang matanda. Sabi nga YOU CANNOT TEACH AN OLD DOG WITH NEW TRICKS. Magiging isang mabuting anak, mag aaral, at citizen ng ating bansa ang batang pinalaking may disiplina, sa bahay man o sa paaralan. Gawing partner ang mga guro sa pagpapalaki sa inyong mga anak...

    ReplyDelete
  8. dapat si #tulfo ang matanggal sa kinalalagyan nya..masyado syang bully..di sya makakarating dyan kun di sya dumaan sa teacher..di tama na tanggalan ng lisensya basta basta..yang magulang ng batang yan ma kinukunsinte lagi ang anak..darating araw babalik yan sa inyo.di namn yan kaaking krimen para parusahan ng ganyan kalaki.

    ReplyDelete
  9. Kunsintidor na mga magulang! Hindi gustong idisiplina ang apo o anak. RA 7610 should be reviewed. Sometimes it is abused by the accuser!!!

    ReplyDelete
  10. Malupit masyado ang gusto mangyri ng lola at magulang ng bata.. na para bang nde sila dumaan sa desiplina ng mga teacher.. pinalabas lng gusto nyo magpahinga na at mwalan ng lisensya anu kaya batas ba kayo? D porke nagreklamo sa inyo #raffytulfoinaction eh susundin nyo ang gusto mangyari ng complainant kahit ikaw tulfo at sharee kinastigo ka din ng teacher.. hindi naman sinaktak dba? Eh paano naman ang ibang guro na nkakaranas ng pang bbully ng mga walang desiplinang stydyante?

    ReplyDelete
  11. Ang OA nung nanay at lola ��✌️
    Hindi cguro mga naging studyante ang mga yan. Sila nagtuturo na magkasungay ang anak nila. Mr. Raffy, ang show nyo po ay namamagitan sa dalawang magkaibang panig at dapat sumailalim sa due process bago magbigay ng paghuhusga. Maging maingat po kayo sa pagbibigay ng hatol dahil napakamakapangyarihan ng social media. Madaming tao ang nanonood ng programa nyo. Kaya maging responsible po sana kau sa pagbibigay ng comment pr judgement sa mga nagrereklamo at nirereklamo.

    ReplyDelete
  12. ang guro ay hindi kailanman ma uubos ang pasensya sa batang maganda ang asal na tinuro sa loob ng bahay. so bakit nagalit c teacher? anonb asal ba tinuro sa bata? well it goes with the attitude of the mother itself. so kung tatanggalan ng lesensya ang guro, dapat ding wala school ang tatanggap sa bata kasi lahat ng teacher na dadaan sa kanya ang matatanggalan ng lesensya.

    ReplyDelete
  13. Mr. Raffy tulfo minsan pag iisipan mo rin ang assistance ang binibigay mo sa complainant kung yaan bay nakakabuti sa nakararami. Tingnan mo ngayon imbis na ma resolve ang issue...pinagpiyestahan tuloy ang complainant..at masama ay sumira pa sa imahin mo kasi parang ikaw rin mismo kumunsinti sa pagiging kunsintidora nga lola at mga magulang..Isipin mo school yan at teacher yan..being a teacher is a parent in school...that's it kung naniniwala ka doon...and i think as a parent, you impose discipline that you think beneficial for your child..Kung emotional trauma ang iginigiit mo, nandoon ba tayo araw araw para makita nating kung how the kid fully behave inside the class? baka naman talaga may kakulitan ang bata or kaya katigasan ng ulo. baka ang teacher pa tuloy ang na trauma dahil sa pangyayaring ito.

    ReplyDelete
  14. True po yan... Kung mangyayari po eto , aabuso at aabuso ang mga kabataan saga guro.. Mama ko guro din, mero ni minsan di kami nagreklamo o mga studyante man.. Kc ang paghihigpit ng mga guro para din yun sa mga kabataan at lumaki sila ng my takot sa mga magulang at mga guro.. Kung anu man ang.behavior ng isang bata, yun ay wala sa mga guto kundi sa pagpapalaki ng mga magulang... Ang mga magulang naman n imbis turuan nila ang.mga anak, anu ang nangyayari... Napapabayaan na nila at tinutulirit nila... kayo naman sir tulfo maging sinsitibo kayo on both parties... Hindi sa nakikinig kqlang sa mga bagay bagay n wala k nmang alam...

    ReplyDelete
  15. Ikaw magulang ng bata,, pinapakita mo lang sa buong mundo na isa kang pabayang magulang. Biro mo, nalaman tuloy ng mga tao kung paano mo pinalaki ang itong anak. Shame on you Ale... Mabulunan ka sana at nang mataohan ka.

    ReplyDelete
  16. Bakit naman tatanggalan kaagad ng lisensya ang teacher agad agad? Coordinator ba ng act-cis si lola kaya siya na lang pinakinggan ang panig(act-cis shirt)?di naman ganyan dati ah kapag may inaayos na sumbong sa tulfo.dina makatarungan yung tatanggalan ka ng lisensya dahil lang sa pagdisiplina ng isang bata.ang tindi ng hiling ng lola,dumugo ba ang apo niya na umupo sa labas kaya ganun na lang ang kapalit ng nangyari sa apo niya?nagapologized ang teacher,dipa ba sapat yun?

    ReplyDelete
  17. tama na man yun eh hindi naman nya sinaktan yung anak nyo o apo nyo..denisiplina lang ang anak nyo..napakaOA naman ng lola...hindi basta pinapalabas ang video na walang consist ng paaralan dahil may mga menor d edad sa video...sa mr. tulfo bago ka magsabi maging fair ka sana both parties hindi yung lumalapit sayo sila na ang papanigan mo panu nalang yung d lumalapit sayo?atsaka deretsahan.mo pa sinabi sa ere..maawa naman tayu sa mga teacher ginagampanan lang po nila yung profession nya....Be fair������Sana all

    ReplyDelete
  18. O.a po ng lola at magulang kya ung mga kbataan ngaun wla ng desiplina kmi nga noon tuklap pa balat sa singit squat pingot ok lng kc pra din nman un samin itong epesode lng nto ang wlang kwenta na pinagdesisyonan ni idol raffy

    ReplyDelete
  19. Magandang araw sa ating lahat diyan sa lahat na bahagi ng Pilipinas. Ang masasabi ko lang dito sa sinabing "gusto raw patanggalan ng lisensya ang isang guro na 29 years nang nagtuturo sa isang magulng at lola na umanoy nag abuso ng knilng anak" Ganoon lang ba yon?
    Kahit na walang due process? Ha TULFO? at pinapili mo p ang guro na mag resign nalang o humarap sa kaso na child abuse? Nakakaloka ka Tulfo, kung gayon akala ko matalino ka, pero hindi pala magkatulad pala kayo ng pag-iisip ng magulang ng batang iyan. Kawawa ang bata dahil nadamay pa sa galit ng netizen. Akala mo siguro nagustuhan ng mg netizen ang ginawa mong pag pahiya sa guri ano? Diyan k nag kakamali dahil kahit hindi guro ay galit na galit sa inyo sinabi ko sa iyo iyan. 😠😠😠😠

    ReplyDelete
  20. Isnt the teacher's Sorry or apology enough to end this complain?? i believe lahat nman tayo siguro nging estudyante at hindi nman tayo mging isang mbuting tao qng hindi sa tulong n disiplina at kaalaman nga ating pangalawang mga magulang. Ikaw mismo n nanay npagdaanan mo ding mging isang estudyante, wla k sigurong respeto sa naging guro mo n ganun2 nlng ang pghahatol mo sa guro ng anak mo?? Hindi siguro tama ang pagdidisiplina at pagpapalaki mo sa anak mo dagdag pa ang bunganga ng lola n pra nmang qng sino mkapagsalita. Hindi ang anak o apo niyo ang ngka trauma at npahiya sa totoo lang qndi ang teacher nia n si Mam Limjuco at ang buong sandatahang lakas ng ating magigiting na mga guro na tumulong sa paghubog ng ating pagkatao. More powers to our dear teachers.. God bless nlng sa inyo n mga magulang at sa lola nawa ay makonsensiya kayo sa ginawa nyo sa mga Guro.. Having their own ways of disciplining their pupils in school is a �������� because they give justice, perseverance and patience beyond their limits..������

    ReplyDelete