Latest

Monday, November 18, 2019

Mga Call Center Agent, Itinuturong Nagkakalat ng Basura sa Paligid ng mga Call Center Building?

call center agent nagkakalat ng basura

Umani ng napakaraming batikos ang pagkakalat ng mga call center agent ng basura at upos ng yosi sa Eton Centris, Quezon City. Sa mga larawan  kita ang napakaraming upos ng yosi na nagkalat sa kalsada at mga cups of coffee na itinapon sa mga halaman.

call center agent nagkakalat ng basura

call center agent nagkakalat ng basura

call center agent nagkakalat ng basura

Ngunit hindi lang pala ito sa Quezon City nangyayari, meron din pangyayari sa Bonifacio Global City noong 2014 kung saan na-piktyuran ng isang netizen ang mga  cup of coffee na basta nalang iniwan at isiniksip sa mga halaman.

"Infront of JP Morgan Building.

May tumubong bagong mga bulaklak - coffee cups at cigarette butts ang tawag.
Tanim ng mga taong ismarte manamit, inglisero at inglesera, matatalino daw pero mga  wala naman pakundangan at malasakit sa kalikasan.
Saka magrereklamo kapag binaha.
Nakakalungkot lang isipin dahil sa kapwang  nagpapanatili ng kalinisan wala din silang pakealam sa  pinagpaguran."

call center agent nagkakalat ng basura


Sa Tweet ng GMA News noong 2012 itinuturo rin daw na mga call center agent ang nagkakalat ng basura sa Makati.

call center agent nagkakalat ng basura
Sa comment ng isang call center agent:

"COMMON SENSE LANG PO!!! KUNG MAY TRASH BINS SANA EH DI WALANG NAKA NAKALAT..."

Bakit ba napakahirap magtapon ng basura sa tamang tapunan? Hindi excuses ang walang basurahan para itapon nalang kung saan-saan.

Kung ikaw ay talagang disiplinado at may pakialam sa kapaligiran ay hindi ka magtatapon ng basura kung saan-saan.

Lagi tayong naghahangad ng pagbabago, pero sarili natin hindi kayang baguhin.

No comments:

Post a Comment