Latest

Tuesday, November 26, 2019

Nakawan sa Ninja Van, Inside Job Ayon sa Isang Insider

Ninja Van magnanakaw

Kumakalat ngayon sa isang online shopping group ang isang liham  sa mga nangyayaring nakawan sa  Ninja Van. Ayon sa insider, mga IC daw ng Ninja Van ang kumukuha ng parcel ng mga kawawang seller at buyer pagkatapos ay pinapalitan at ibinibintang sa mga riders.

May friend po ako na nagwowork sa Ninja Van and now magulo daw sobra ang company nila dahil sa mga nawawalang parcel na high value. Which is issue na dati at nagtetrending pa, yun mga parcel na pinapalitan ng ibang item iang loob.

Yung kawork nya kasi dalawa eh nakulong, na set up. Nagkataaon na yung dalawang rider ang magdedeliver ng parcel worth P40K plus na iphone daw dapat ang laman. Katext ng rider yung buyer sabi iresched daw and after nya magdeliver nang mag iinbound na sila ng pera bigla daw may mga pulis na pumunta sa hub nila para hulihin yung rider dahil sa may complaint daw na pinalitan ng rider yung loob ng parcel which is hindi naman totoo dahil may rpoof si rider na pinareschedule sa kanya yung item at walang bahid ng pag bukas yung parcel. And then pinabuksan daw nun NINJA VAN IC sa kanila pinilit siya buksan yung parcel and ang laman ay bote ng mantika. So hinuli sila at kinulong, almost 2 days silang nakakulong at nadismiss agad ang kaso dahil walang sapat na ebidensya ang mga complainant which is mga IC SA NINJA VAN. In short, planado ang lahat!

Ma dodocument sa company nila ma may rider na nagnakaw at pinalitan ang parcel and then madidismiss ang kaso pero matatapos ang issue ng walang napapatunayan kung sino ang may kasalanan at tototoong magnanakaw.

Malinis, hugas kamay ang mga IC na siyang totoong kumukuha at nagpapalit ng mga nigh value parcel.

Natapos ang issue na malinis ang kamay nila sa kalokohan nila, at may dalawang rider na naperwisyo.

May nakapag picture na gwardya na ginawang palit item ng mga IC nila madaling araw. Lumalabas na set up ang nangyari at alam ito lahat ng mga rider na walang kalabn laban sa mga IC dahil takot mawalan ng trabaho.

Gusto ko lang ko maging aware ang mga seller at buyer sa ganitong issue. Lalo na sa mga seller na nagpapa-ship ng mga high value item na siguraduhing sealed at pirmahan ang parcel kung maari pirmahan ng napakadami ang parcel at picturan para matakot ang mga kawatan na buksan ang pacel dahil mahahalata na nabuksan ang parcel at pinalitan ng plastic in case.

Kawawa kasi yung mga rider/delivery. Ever since sila talaga ang nasisisi, iseset up, nawawalan ng trabaho dahil sa mga ginagawang kalokohan ng management.

Siana hindi matakot yung dalawang rider na magkaso dahil malaki ang laban nila, sobrang naperwisyo sila sa kasalanan inakusa sa kanila na hindi nila nagawa at wala silang kakayahan gawin dahil wala naman silang plastic ng courier dahil delivery lang sila.


PANOORIN ANG VIDEO:




No comments:

Post a Comment