Latest

Friday, November 22, 2019

Parusa na Matanggalan ng Lisensiya ang isang Guro, Iaatras na ng isang TV Program


Dahil sa pressure ng mga galit na netizens, iaatras na ng isang TV Program ang assistance nila sa gusto ng complainant na matanggalan ng lisensiya ang nag viral na guro sa social media dahil sa ginawa niyang pagdidisiplina sa kanyang estudyante. Sinabi rin ng TV host na pagbabatiin nalang sila pero dapat pa rin managot sa tamang otoridad ang guro.


Hindi rin nagustuhan ng mga guro sa buong Pilipinas ang pangyayari at nag ere sila ng kanilang galit sa nasabing TV Program dahil sa pagiging bias at one-sided nito sa isyu.

Teacher's Corner:

"From "IPAPA-Deped Kita!" now "IPAPA-Tulfo Kita!".. Teachers are now threatened, revoke license, and can be jailed by simply disciplining their children inside the classroom. This is it, the over exaggerated CHILD PROTECTION POLICY. Good luck to our next generation.."

Philippine Public School Teachers Association:

"Alam natin na ang disiplina ay kailangan ng bawat bata para lumaki sila ng maayos. Bilang magulang, kailangan natin ibigay yun sa kanila. Ito din ay katulad sa trabaho ng isang guro. Ang mga guro ay pangalawang magulang nating lahat. Di makakaila na sila ang gumabay sa atin habang tayo ay nag-aaral sa paaralan. Anak ang turing nila sa atin.

Sana wag natin masamain ang simpleng pagdisiplina ni Ma'am Melita. Hindi makatarungan na matanggalan siya ng lisensya dahil lang don kumpara sa 29 years niyang pagtuturo sa kabataan. Karamihan sa successful na tao ngayon, mas matindi pa ang inabot kaysa sa simpleng pinalabas lang ng silid-aralan.

Ang PPSTA ay sumusuporta kay Ma'am Melita. Wag po natin hayaan na mawalan siya ng lisensya! LABAN PO TAYO TEACHERS!"


Nakakuha rin ng suporta si Teacher Melita Limjuco sa isang  sikat  na lawyer na nag offer ng assistance.


Narito ang kumpletong statement ni Atty. Joseph Noel M. Estrada sa kanyang facebook page:

Kasama ko na po si Teacher Melita. Sasagutin po namin sa tamang forum kung meron pong complaint sa kanya. Pero sana po ay wag pagpyestahan sa media ang video at ang interview nya sa isang tv program.

Kawawa din ang mga anak nya na OFW na pati sa mga katrabho nila, balitang balita na ang nangyari sa ina at lubos silang nag aalala.

Una sa lahat hindi nya alam na naka live sa tv ang usapan nila ng host. It’s unfair to her. This is violative of her right to due process.

Pangalawa, ang cctv recording ay hindi dapat ipinapakalat ng walang pahintulot ng mga tao na nakuhanan. Sino naglabas? Hindi lang po si teacher ang nasa cctv recording, may mga menor de edad din sa video.

The public school teacher deserves the right to be heard. Ang nakita lang po natin ay ang video. Pero hindi po alam ng karamihan na kaya pinalabas ang bata sa classroom ay nakikipag away din ito sa kaklase nya. Bukod pa sa hindi nito pagsaoli ng card na paulit ulit nang pinapaalala, may nakaraan nang insidente kasi na natapunan ng tubig ang card ng bata nang isaoli ito. Kaya sguro ganun na lang ang kagustuhan ni teacher na maibalik na ito.

Nagkaroon na ng pag uusap sa harap ng principal ang lola at magulang ng bata at humingi na din ng paumanhin si teacher. Ngunit ang gusto nila ay mag resign na si teacher at matanggalan ng license. At nang hindi ito nangyari, sila ay dumulog sa isang tv program. Kawawa naman. 29 years as a public school teacher, she does not deserve this public humiliation and ridicule or lose her job and license to teach.

Tandaan po natin, our teachers are special parents of the students while they are in their supervision, instruction, or custody. As special parent, the teacher’s authority includes the duty discipline the students.

I do not see any abuse done by the teacher. The disciplinary action imposed by the teacher is the necessary consequence of the child’s misconduct.

Paalala din po sa mga magulang. Our duties as parents include, coordinating and cooperating with the school in implementing school discipline.

I also encourage everyone to make sure the personal details and photos or videos of minors involved are not shared or divulged.

Salamat po.


No comments:

Post a Comment