Latest

Thursday, November 7, 2019

Pastor Apollo Quiboloy Tinanggap ang Challenge ni Vice Ganda

Quiboloy, Vice Ganda, Owner of the World

Tinanggap na ni Pastor Apollo Quiboloy ang Challenge ni Vice Ganda sa kanya. Sinabi rin ng Pastor na baka hindi lang ang Probinsyano ang ma-stop kung hindi ang buong ABS-CBN.

"Lindol lang ung pina stop ko eh dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa stop ang Probinsyano? Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop?Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan.", banat ng Pastor.

Nanganganib na hindi ma-renew ang prangkisa ng higanteng network na mag expired sa March 30, 2020 dahil sa banta ng Pangulo na hindi niya hahayaang ma-renew ang ABS-CBN dahil sa paratang na pagiging bias nito at hindi pag ere sa kanyang political ads noong nakaraang election campaign period kahit nagbayad sila ng buo.

 Nagbiro rin ang Pastor na paano mapa-stop ang traffic sa EDSA kung naka stop na.

"Sinabi mo pahintuin ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nahinto na. Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, let traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na." Banat ng Pastor kay Vice Ganda.

Panoorin ang video:

2 comments:

  1. Hhahaha ibig sabihin lang hindi mo kayang gawin , ang hirap sa iyo Quibuloy maangas ka namumusong ka sa DIos...o nagpapakuwari kang Dios , ngayon hiningian ka ng challenge di mo magawa . Ngayon siguro Pera namn paiiralin mo pahintuin mo ang probinsyano hehehe bugok!

    ReplyDelete
  2. 1Corinthians 1:27 But God chose the foolish things of the world to shame the wise;God chose the weak things of the world to shame the strong.

    ReplyDelete