Latest

Friday, November 22, 2019

Pres. Duterte Naniniwalang Pinatigil Ni Quiboloy Ang Nangyaring Lindol Sa Mindanao

Duterte, Quiboloy

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na pinatigil ni Pastor Apollo Quiboloy diumano ang lindol na yumanig sa Mindanao.

“I believe in Pastor Quiboloy. When he said stop, e kung nag stop, eh di what’s the trouble? Stop it. Eh kung nagkataon talagang nagstop,” sabi ng pangulo sa kanyang talumpati sa launching ng Acacia Hotel sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Matatandaang nagtrending sa social media ang mga naging pahayag ni Quiboloy sa nangyaring magkakasunod na lindol noong nakaraang buwan sa North Cotabato at mga karatig lugar nito na siyang nagtamo ng matitinding pinsala sa ilang gusali roon.

“Pasalamat kayo sa akin, kasi kung hindi ko pina-stop ‘yon, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo! Kaya’t pasalamat kayo at ako ang nagpa-stop ng lindol. Hindi ko sinabi ‘to ng walang witness ha. May witness marami, nakapalibot sa akin. Sinigawan ko yung lindol, nang gumanun na ang mga chandelier, ‘stop!’ sabi ko lang ‘stop’, umi-stop agad,” sabi ni Quiboloy.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na kung bibigyan din siya ng pagkakataon, gusto niya din ng kapangyarihang gaya ng kay Quiboloy.

“If I can only have that power doon sa mga kurakot na  i-stop, kasi alam mo dito ang Pilipino hindi mo talaga madala sa pakiusapan,” dagdag ng pangulo.

No comments:

Post a Comment