Latest

Saturday, November 23, 2019

TV Host na Namahiya ng isang Titser, Dapat mag Public Apology ayon sa mga Guro at Netizens


Gustong mag public apology ng mga netizen si  Raffy Tulfo sa kahihiyang ibinigay sa isang guro.

Ayon sa mga netizen hindi binigyan ni Raffy Tulfo ng pagkakataon pakinggan ang guro at basta-basta nalang naniwala sa nagrereklamong lola at magulang ng bata.

Sa nasabing program ay parang nahusgahan na raw agad ang guro sa ginawang trial by publicity.

Humingi ng tawad ang guro sa nasabing programa ngunit nagmatigas ang mga magulang ng bata sa gusto nilang mangyari na mawalan ng trabaho at matanggal ang lisensiya ng kawawang guro.

Hindi raw makatarungan ang  ginawa ni Tulfo sa kanyang programa sa pagbigay  ng dalawang option sa guro na mag-resign at irevoke ang license o kasuhan ng programa.

Na pa no choice nalang ang guro at tinanggap na isuko ang kanyang propesyon kesa makasuhan.

Nagsalita rin ang University of the Philippines Professor na si Danilo Arao, at sinabi niyang dapat alamin muna ang magkabilang panig at hindi nalang basta basta nanghuhusga.

Ayon naman sa isang UP Teacher na si Ronnel Agoncillo dapat raw mag public apology ang TV Host sa kanyang ginawa.
Call to action. Magpublic apology naman kayo Raffy Tulfo in Action! Libu libo na ang nagdislike at nagbahagi ng same sentiment against you! Walk your talk! You have committed a mistake, own it! Help the teacher you wronged! You have caused her unnecessary humiliation. Apologize to the general public especially teachers! And to compensate the damage you have given to the image of teachers as a whole, at least, join our campaigns to higher salary, decent living, ang teacher protection! Para hindi naman tuwing Teachers Month niyo lang kami kunwaring pinapahalagahan! #HonorOurTeachers!

Nagpaabot rin ng mensahe at suporta ang  Teacher’s Dignity Coalition (TDC):

"DEPENSAHAN ANG ATING LISENSIYA AT PROPESYON

Sa Katatapos lang na live na pahayag ni Mr. Raffy Tulfo, mapapansin natin ang malaking pagbabago sa kanyang tono. Binigyan na niya ng galang ang guro at hindi na raw niya i-pursue ang pagpapatanggal sa lisensiya nito. Unang-una wala naman siyang karapatan na tanggalan ng lisensiya si titser. Wala ring tamang proseso itong dinaanan at naging iisang panig lamang. Kahit pa ang sinasabing trauma sa bata ay walang batayan. Wala ring karapatan ang sinuman na papiliin ang isang Guro- totoong nagkamali man o napagbintangan lang- kung aalis na lang sa pagtuturo o magpapakulong.

Patunay lamang ito na may epekto ang ating nagkakaisang tindig at ispontanyong mga reaksiyon.

Kanina ay naroon ang ilang mga lider ng TDC sa Epifanio Delos Santos ES, paaralan ni Mam Melita Limjuco. Nananatiling malakas si Mam at buo ang suporta ng kanyang mga kasamahan. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa suporta nating lahat.

Masakit at mabigat na yugto ang pinagdaanan ni Mam ngunit naging magaan dahil sa ating pakikiisa. Nawa'y may natutunan ang lahat sa pangyayaring ito. Mula sa ating hanay ng mga guro. Sa mga principal. Sa mga magulang. Sa pamunuan ng DepEd na may malaking pananagutan sa buong sistema ng edukasyon. Gayundin sa mga nasa media- kahit gaano man tayo kasikat, hindi natin maaring lampasan ang batas at y katwiram.

Tuluy-tuloy po ang gagawin nating pagsuporta kay Mam Limjuco sa anumang paraan. Sapagkat ang kanyang laban at kapalaran ay laban at kapalaran din ng ating propesyon.

Mabuhay ang magigiting, matitiyaga at mapagmahal na mga Gurong Pilipino!

-Teachers' Dignity Coalition (TDC)
Nobyembre 22, 2019


Sa facebook post naman ni Atty. Joseph Noel M. Estrada, sinabi niyang hindi agad masasabing child abuse ang pagdidisiplina sa mga estudyante:

Kailan ba natin masasabi na child abuse? Ano ang pamantayan? Here’s the SC decision in a landmark case:

“Not every instance of the laying of hands on a child constitutes the crime of child abuse under Section 10 (a) of Republic Act No. 7610.1 Only when the laying of hands is shown beyond reasonable doubt to be intended by the accused to debase, degrade or demean the intrinsic worth and dignity of the child as a human being should it be punished as child abuse.“ (Bongalon vs Peo of the Philippines)

Kabisado na ito ng mga umattend ng lectures ko.

On Monday, Nov. 25, I’ll be speaking before UST freshmen students who are aspiring teachers on the Code of Ethics for Professional Teachers and I will add discussions on In Loco Parentis, Child Protection, and laws, policies, cases that provide protection to teachers.


Inalala naman ni Charmaine Dicang ang kabaitan ng guro sa kanyang facebook post:



Nakatakdang maghirap ang guro at magulang ng bata sa Lunes, November 25, 2019, para pagbatiin ng TV Host.

No comments:

Post a Comment