Latest

Monday, December 2, 2019

Bastos na Doctor, Nangmura at Nanglait ng Driver


Kinilala na si Dr. Tomas Joaquin Mendez, isang Otolaryngologist, ang lalaking nagviviral ngayon sa social media, dahil sa pagmumura at panglalait sa isang L300 driver.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang insidente.

“Kami po ay nananawagan rin sa iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Professional Regulation Commission (PRC) at pati na rin sa Philippine Medical Association (PMA) na kung maari po ay aksyunan ang insidenteng ito bago pa lumala ang sitwasyon o problema,”

“Inuulit po namin ang paalala sa mga motorista na maging mahinahon at huwag daanin sa init ng ulo o sa antas ng pamumuhay kung sakaling masangkot sa isang traffic incident,”

“Hangad natin ay isang lipunan kung saan pantay-pantay tayong susunod sa mga alituntunin at batas trapiko, at iginagalang natin ang karapatan at dignidad ng bawat isa,”
Panawagan ng DOTr

Panoorin ang video:


Ngunit hindi lang pala ito ang unang pagkakataon na nagwala at nangbato si Mendez ng sasakyan. May insidente rin  noong nakaraang taon kung saan nakunan siya ng video na may kaaway sa kalsada at nangbato ng motorista.

Panoorin ang video: 

No comments:

Post a Comment