Latest

Wednesday, December 4, 2019

Dalawang Tsismosa, Inaresto Matapos Sampahan ng Kaso

tsismosa

Maging babala sa mga tsismosa.  Inaresto sina Mary Grace Catapan at Jhallyn Gequillo Varga na parehong taga Cebu City dahil sa pagkakalat ng tsismis sa kakilala nila sa Facebook. Ayon sa nagrereklamo, noong 2017 hanggang 2018 ay pinagtutulungan na siyang siraan ng dalawang magkaibigan sa facebook group chat.

“Ang among na discover nga group chat is almost two years nga group chat nga halos everyday ko nila libakon. Kay kon mag vacation mi, i-grab ang among pictures ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta dagha pa,” 

Nilalagay raw ng dalawa ang mga larawan niya sa facebook at doon sinisiraan ng puri habang nababasa ng ibang miyembro sa chat.

tsismosa

Ineedit rin daw ng dalawa ang kanyang mga larawan at ginagawang aswang habang pinagtatawanan.

Dahil sa labis na sakit at kahihiyang naramdaman ay nagsampa ng kaso ang biktima at kinasuhan ng cyber libel ang dalawang  akusado.

Ayon sa Judge, nilabag ng dalawa ang  Section 4 (c) ng Republic Act 10175.

Pansamantala naman nakalaya ang dalawang akusado dahil sa piyansa.

No comments:

Post a Comment