Lucis Philippines Press

News - Social Issues - History - Technology

Breaking

Friday, December 20, 2019

Pastor Quiboloy kinasuhan ng rape, child abuse

quiboloy

Sinampahan ng kasong rape, human trafficking at child abuse si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) ng isang miyembro nito matapos umanong pagsamantalahan ang kanyang murang kaisipan upang gawan ng kahalayan at puwersahing magtrabaho na humantong sa kanyang mistulang panlilimos para sa kanilang simbahan.

Pormal na nagharap ng asunto sa National Prosecution Service Office of the City Prosecutor sa Davao City, Davao del Sur ang biktimang si Blenda Sanchez Portugal, 22-anyos, ng Tagum City, Davao del Norte laban kay Quiboloy at mga kasamahan itong sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Ca­nada at Sylvia Cemañes.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Portugal na 10-taon pa lamang siya ay dinadala na siya ng kanyang amang si Eliseo Portugal na isang panatiko sa turo ni Quiboloy. Naging miyembro ang kanyang ama ng KJC sa Pasig branch na tinawag na Kingdom Local Congregation.

Sa sobra umanong pagtitiwala ng kanyang ama sa turo ni Quiboloy ay halos maubos ang kanyang ari-arian sa utos umano ni Pastor Quiboloy para ibigay ang pera sa KJC lang at mabuti na lamang umano ay napigilan niya ito na ibenta ang kanilang bahay.

Taong 2009 noong 12-anyos umano siya nang maging full time miracle worker ng simbahan at dito na siya na-expose sa umano’y pang-abusong sekswal bukod sa puwersahang pagpapatrabaho sa kanila na nagbabahay-bahay upang manghingi ng pera gamit ang iba’t ibang pangalan ng simbahan.

“My sister and I did not fully comprehend their implications and meanings that father’s will for PACQ is to let myself to be exploited both in forms of sexual and forced labor,” sabi pa sa affidavit ng biktima.

Marami umanong ipinangako noon si Quiboloy sa kanila, gaya ng pag-aaralin at dadalhin sa iba’t ibang lugar basta sundin lamang lagi ang kanyang mga utos kung saan palagi nitong ikinakatwiran na utos ng ‘Almighty Father’ na tinawag din nilang ‘Father’s Will’ kung saan si Ingrid ang isa sa nagtutulak sa kanila sa mga maling gawain.

Si Cemanes umano ang isa sa lider ng sangay ng simbahan KJC sa Pasig.
Kinuha ng Abante Tonite ang panig ni Pastor Quiboloy na kilalalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte subalit wala itong sagot.

[ By Abante ]

No comments:

Post a Comment