Lucis Philippines Press

News - Social Issues - History - Technology

Breaking

Monday, May 25, 2020

Pastor Quiboloy kay Vice Ganda: Bakit ka Umiiyak?

Pastor Quiboloy kay Vice Ganda: Bakit ka Umiiyak?

Sa programang Powerline ni Pastor Apollo Quiboloy, may matindi siyang banat kay Vice Ganda:


“Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo.

“Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya.”

“Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.

“O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila. Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.

“Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila. Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon.

“Pagkatapos isinama mo pa ako. Ngayon, napatunayan mo na meron akong Diyos na nagpadala sa akin,”

“Kasi yung lahat ng pinagsasabi mo, puro imposible. ‘Sige nga, Quiboloy, punta ka sa EDSA, pahintuin mo ang traffic. Sige nga, Quiboloy, pahintuin mo ang Probinsyano. Abangan…si Quiboloy lang ang makakapagpahinto sa Probinsyano.'”

“Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA. Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo.”

“l di ba? Ako ang nagso-showtime. Pero tingnan mo, sa kinamalasan na tinanggap mo, hindi ako tumatawa.”

“Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa ‘yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka. O, bakit hindi kayo humahalakhak?”

“Bakit ka umiiyak ngayon at nalulungkot? Tanungin mo ang sarili mo. Yun ang dahilan, Vice, yun ang dahilan para patotohanan lang ng Diyos sa ‘yo, si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi pumunta rito sa kanyang sarili lang. Lesson ‘yan. I hope that you learned your lesson,”

No comments:

Post a Comment