Lucis Philippines Press

Folktales, Mythology, and Entertainment Portal

NEW

Sunday, November 8, 2020

Ang Lagim Ng Manila Film Center

Manila Film Center

AUDIO:


Ipinangalan sa pang-limang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Manuel Roxas ang Roxas Boulevard sa Pasay City ay kilala sa magagandang tanawin nito, magandang paglubog ng araw sa kahabaan ng mga puno ng niyog.

Sikat sa mga komersyal na gusali,hotel, restawran, at parke, dito rin itinayo ang magarang Manila Film Center sa timog-kanlurang dulo ng Cultural Center of the Philippines.

Isang lugar na puno ng kaluwalhatian, katanyagan at kayamanan, naging misteryo, sumpa, at trahedya.

Itinayo sa ilalim ng rehimeng Marcos noong 1981, na dinisenyo ng arkitekong si Froilan Hong, at kinonsepto ng dating opisyal ng teknolohiya sa Technical Resource Center na si Ramon M. Ignacio, sinimulan ang pagtatayo marangyang Manila Film Center.

Sinasabing pagdadausan ng kauna-unahang Manila International Film Festival sa susunod na taon,

Ito ang magiging bersyon ng Asya ng Cannes Film Festival sa Pransya. Nabuo halintulad ng kamangha-manghang Parthenon sa Athens, Greece, na may halagang dalawamput limang milyong dolyar, ito ay isang proyekto na ayon sa kagustuhan ng unang ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos.

Kilala sa kanyang mataas na klase na panlasa, nais niyang gawing sentro ng kultura ng silangan ang Maynila at isang pandaigdigang merkado para sa mga pelikula.

Ang konstruksyon ng nasabing ehemplo ng kultura at sining ng Pilipinas ay sinimulan ng may kakaunting panahon, walang sinayang na oras upang matugunan ang nakatakdang araw.

Nagsimula noong Oktubre 1981, ang Manila Film Center ay kailangang matapos nang kulang kulang sa tatlong buwan upang ganapin ang Manila International Film Festival noong January 18-29, 1982.

Mayroong isang gradiyosong plano para sa gusali. Isang 360-degrees na teatro upang maipakita ang ng kasaysayan at turismo ng Pilipinas, film laboratory at archive ng pelikula, at hiniling ang tulong ng UNESCO para sa ilang mga konsultasyon.

Higit sa apat na libong manggagawa ang nagtrabaho ng 24 oras, ang gawaing ginagawa sa loob ng anim na lingo, ay ginawang posible sa loob lamang ng tatlong araw, ngunit nagresulta sa isang hindi ligtas na kasanayan sa trabaho, dahil sa pagmamadali, ay nangyari ang isa sa mga kahindikhindik na aksidente.

Noong Nobyembre 17, 1981, bandang 3:00 ng umaga ay bumagsak ang scaffolding, sanhi ng daan-daang mga nasugatan at nasawi.

Ang mga sugatang manggagawa ay nagkalat, ang ilan ay nahulog mula sa platform at natusok sa mga bakal na nakausli,at ang iba ay nailibing di umano ng buhay at tinabunan ng simento; ito ay nagresulta sa 169 na pagkasawi.

Ang isang alerto sa seguridad ay ipinatupad upang takpan ang lugar; Wala sa alinmang mga ambulansya o mga tagapagligtas ang maaaring makapasok sa gusali sa mga kritikal na oras na iyon.

Pagkalipas ng 10 oras ay pinahintulutan na ang mga naatasang mga tagapagligtas at mga reporter na makapasok sa loob ng gusali.

Mayroong mga bulung-bulungan na ang ilang mga boluntaryo ay kumanta ng mga kantang pamPasko

sa mga manggagawa na nahulog sa simento mula paa hanggang sa baywang upang mapanatili silang gising para maisalba ngunit kalaunan ay namatay matapos silang mailigtas.

Nagkaroon nga ba ng tangkang pagkukubli sa naganap na trahedya?

Dahil sa kailangan nilang matugunan ang itinakdang araw, at sa news blackout na naisabatas ng batas militar, walang kongkretong tala ang insidente ang nakuha.

Si Betty Benitez na noon ay naatasang tagapamahala ng proyekto, ay gumawa ng isang nakakagambalang desisyon.

Iniutos niya na takpan ang mga patay na katawan ng semento at ipagpatuloy ang konstruksyon nang parang walang nangyari at takpan ang lihim ng Manila Film Center.

Pagkalipas ng ilang mga buwan, namatay si Benitez sa isang aksidente, sinasabi ng mga taong bumisita sa gusali na nakita nila ang mga kaluluwa ng mga lalaking inilibing na bitbit ang kaluluwa ni Benitez.

Sa kabila ng lahat, nagbukas ang Manila Film Center alinsunod sa nakatakdang araw, idinaos ang ng kauna-unahang Manila International Film Festival noong Enero 1982.

Na nilahukan ng higit sa 300 mga panauhin kasama sina Priscilla Presley, Amerikanong negosyanteng asawa ni Elvis Presley, Brooke Shields na disi sais anyos pa lamang noong panahong iyon at George Hamilton .

Ito ay sinasabing isang okasyon na puno ng karangyaan at kasaganahan. Bagaman naidaos ang pagdiriwang, ang teatro ay nasa ilalim pa rin ng konstruksyon at ang mga manggagawa ay nagtatrabaho pa rin hanggang sa huling minuto.

Basang semento sa ilalim ng kamangha-manghang red karpet, ang ilang mga panauhing nakasuot ng gown ay namantyahan ng pintura sa kanilang damit habang umakad sa ibabaw ng di umano ay nitso ng mga bangkay na mga manggagawang nailibing sa gusali.

Makalipas ang ilang taon, ang Manila Film Center ay naging tanggapan ng Department of Foreign Affairs ilang mga empleyado na nagsasabi na mayroong mga nakakatakot silang karanasan sa gusali.

Ang mga ritwal ay isinagawa sa pag-asang maitataboy nito ang mga espiritu, ngunit nananatili itong pinagmumultuhan.

Misteryosong mga bagay ang nangyayari, nakikita ang mga pigura ng mga kalalakihan, tunog ng typewriter na para bang may isang taong na nagtatrabaho, pag-flush ng mga banyo, mga iyak na humihingi ng tulong at sigaw ng mga nagdurusa at hindi matahimik na kaluluwa.

Inabanduna ang gusali matapos ang lindol noong 1990 na tumama sa Maynila at sa natitirang Luzon. At noong 2001, ang Manila Film Center ay sumailalim sa rehabilitasyon, na nagkakahalaga ng higit sa labinlimang milyong dolyar.

Sa parehong taon, ang gusali ay ginamit ng Amazing Philippines Theatre at idinaos ang Amazing Show na bukas sa publiko, ang mga nagtatanghal ay mga transgender hanggang sa mag paso ang kanilang kontrata noong 2009.

Noong 2013 isang tatlong oras na sunog ang puminsala sa gusali, walang nasawi ngunit ito ay nag iniwan ng napakalaking halaga ng pinasala.

Matapos ang halos apat na dekada, maraming mga bagay na ang nangyari, subalit ang misteryo sa trahedya ng Manila Film Center ay nananatiling palaisipan. Para sa ilan, ito ay isang marka noong ang Filipino Films ay nasa katanyagan nito.

Para sa iba, ito ay isang simbolo ng aristokrasya o pagkapanatiko? Hangga't nandiyan ito, ay nabubuhay pa rin ang misteryo sa engrandeng musoleyo.

No comments:

Post a Comment