Lucis Philippines Press

Folktales, Mythology, and Entertainment Portal

NEW

Sunday, November 8, 2020

Biringan City: Ang Lungsod Na Hindi Nakikita


AUDIO:

Ang mga kwento tungkol sa mga misteryosong kaharian o mga lipunan ay naging tanyag. Ang isang halimbawa ay ang Atlantis.  Ngunit alam mo ba na sa Pilipinas, may mga kwentong nakapalibot sa isang mahiwagang syudad na hindi nakikita? Ang lugar na ito ay tinatawag na Biringan City.

Sinasabing ang imprastraktura ng Biringan City ay mas moderno pa sa Abu Dhabi at New York na pinagsama.  Ang lokasyon ng mahiwagang lungsod ay pinagtatalunan ngunit maraming mga lokal ang naniniwala na matatagpuan ito sa isang lugar sa pagitan ng Calbayog City at Catarman. 

Binabalaan din ng mga lokal ang mga bagong dating o turista sa Samar na hindi nila dapat pag-usapan ang Biringan City at banggitin pa ang pangalan nito.  Bakit sila pinagbabawalan banggitin ang Biringan?  Dahil kung may magbanggit ng lungsod, siya ay sapiliang kukunin ng mga engkantong naninirahan sa mahiwagang lungsod. 

Ang lungsod ay sinisisi dahil sa mga demonic possessions ng mga bata at dalaga sa lugar. Sinasabi din na ang lugar ay pinamumugaran ng mga masasamang nilalang na nagpapanggap na mabubuting tao. Minsan sinisisi ang Biringan sa mga demonic possessions ng mga batang babae at mga bata.

Ayon sa mga local, ang Biringan ay pinamumunuan ng mga demonyong nagpapanggap na elementals. 
Pinapayuhan nila na dapat magdasal ang mga tao o bisita kapag sila ay nawala upang maprotektahan ang kanilang sarili maiwasan ang pagdukot ng mga nilalang na nagbabago ng anyo. 

Maraming kwento na maraming tao ang nagtangkang bisitahin ang lugar nang hindi sila dinukot, napakaganda raw ng Biringan ayon sa mga taong nakapunta sa misteryoso at lungsod na hindi nakikita. Naglalakihan ang mga gusali, kumikinang ang mga kalsada, na parang nasa ibang mundo. 

Maraming mga kwento tungkol sa mga driver ng trak, mangingisda, negosyo at iba pang mga manggagawa na may nakakapanindig balahibong karanasan sa Biringan. 

Kwento nila, habang nasa sasakyan sila ay bigla silang pumasok sa isang portal at biglang nagbago ang paligid, nakakamangha ang mga gusali, kumikinang na mga puno, at naglalakihang mga obelisk, pagkatapos ay bigla silang bumalik sa dati nilang lokasyon. 

Mayroon ding mga kwento tungkol sa mga malalaking delivery trak o cargo ship na naglalaman ng mga mabibigat na kagamitan at makinarya na naka-address sa Biringan, ngunit hindi ito mai-deliver dahil wala namang Biringan sa Samar. 

Ang Biringan ay maihahalintulad sa Atlantis.

 Isang katotohanan ba ang Biringan o kathang isip lamang ng mga taong may mapaglarong imahinasyon.

No comments:

Post a Comment