Tuesday, December 1, 2020

Tagalog Stories: Demonic Oppression

Demonic Oppression

Itago nyo nalang ako sa pangalang Arch. Nais kong ibahagi ang aking karanasan noong aking kabataan tungkol sa magic.

Bata palang ako ay may interest na ako sa mga kakaibang bagay, ang tawag nga sakin ng mga kaklase ko ay weirdo kasi kakaiba raw ang aking trip.

Mahilig akong magbasa ng mga kababalaghan, mga kulam, at black magic. Nagsimula akong magk-interest sa ganun noong first year high school ako.

Minsan pumupunta pa ako sa internet cafe para mag download ng mga kakaibang ritual sa withcraft at black magic, pinapaprint ko at pagkatapos ay pinapa-bookbind.

Madalas ay pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko dahil sa mga pinapabasa ko sa kanila. Sa Catholic school kasi ako nag-aral ng High School.

Pagka-graduate ko ng High School ay dito ako sa Manila nag-aral ng college, mas lalo akong nagka interest sa Witchcraft dahil mas marami ang resources dito sa syudad kumpara sa province.

At dahil estudyante palang ako at wala akong pambili ng mga libro na nakikita ko sa internet ay mga libreng impormasyon nalang sa internet ang inaaral at binabasa ko.

Nagkainterest akong pag-aralan kung paano makipag usap sa mga multo at kung paano sila tawagin. Pinag-aralan ko rin noon kung paano buksan ang third eye kasi doon ako na-curious ng sobra. Kapag bukas daw kasi ang third eye mo ay makakakita ka ng mga hindi nakikita ng iba.

Gabi-gabi ay pinapractice ko ang mga ritual na aking dinawnload sa internet. Nagdodorm kasi ako noon at solo sa room kaya nagagawa ko sa loob ng kwarto ang aking gustong gawin.

Demonic Oppression, Spirit Calling
Image: Pixabay

Madalas kong ginagawa tuwing gabi ay nagmemeditate ako na may mga kandilang nakapalibot sa akin, pikit ang mga mata ko habang tinatawag ko kung merong espiritong nasa paligid, kinakausap ko sila gamit ang aking isip at sinusulat ko sa journal ang mga salitang pumapasok sa aking isip, kasi ayon sa nabasa ko ay minsan ganun daw makipag usap ang mga espiritu, ang tawag doon ay Telepathic Messages.

Sa aking pagbabasa sa internet ay nacurious ako sa isang bagay, isang bato na pwede daw gamitin para buksan ang third eye.

Ang tawag sa batong iyon ay Lapis Lazuli. Ang Lapis Lazuli ay kilala rin sa tawag na Third Eye Chakra.

At dahil sa University Belt ako nagdodorm ay sinubukan kong pumunta sa may Quiapo Church para maghanap ng batong iyon.

Sa pag punta ko sa gilid ng Quiapo Church ay namangha ako sa aking mga nakita, sari-saring agimat, mga bato, at yung iba ay pangkulam pa.

Sa pag iikot ko ay may nakita akong blue na bato. Dali-dali kong tiningnan ang nakita kong bato kung yun na nga ang hinahanap kong Lapis Lazuli.
Demonic Oppression, Lapis Lazuli
Image: Wikipedia

Maliit lang siya na hugis triangle. Tinanong ko sa tindero kung ano ang pangalan ng batong iyon at ang sagot nya ay Lapis Lazuli. Hindi na ako nagdalawang isip at binili ko ang maliit na bato. Pagkatapos ay umuwi ako.
Dahil gabi na at medyo pagod ako ay natulog ako ng maaga, inilagay ko ang bato sa ilalim ng akong unan. Kinabukasan pagkagising ko ay kinuha ko ang bato sa ilalim ng aking unan at tinitingnan ko habang nakahiga.

Medyo inaantok pa ako ng mga oras na iyon. Inilagay ko ang bato sa aking noo at ipinikit ko ang aking mga mata para matulog ulit, baka kasi sa ganun paraan ay mabuksan ang aking third eye.

Papatulog na ang diwa ko nang makarinig ako ng mga nagliliparan sa ceiling ng aking kwarto, tila mga boses na umiiyak galing impyerno, katulad sa mga napapanood ko sa Sci-fi movies.

Demonic Oppression, Smoke
Image: First Response

Maya-maya ay tila may kuryenteng nag penetrate sa aking katawan galing sa ceiling ng aking room. Ramdam na ramdam ko ang pangyayari na parang may nagtangkang pumasok sa aking katawan.

Napakilig ako sa pagkakahiga at biglang bumukas ang aking mga mata. Pagmulat ko ay dali-dali akong tumayo, bumangon, binuksan ang pinto ng aking kwarto at tumakbo palabas sa sala.

Hindi ko maidescribe ang nangyari. Buti nalang at walang tao sa sala. Alam kong hindi ako nanaginip ng mga oras na yun. Nang mahimasmasan ako ay bumalik ako sa loob ng aking kwarto, humiga at iniisip pa rin ang nangyari.

Iyon pala ang simula ng kakaibang pakikipagsapalaran ko araw at gabi.

Mag gagabi na, hindi ko ginawa ang ritwal na kadalasan kong ginagawa tuwing gabi dahil medyo hindi pa rin ako maka move on sa narasan ko ng araw na iyon.

Mag 10pm na at sinubukan kong matulog. Patulog na ako ng biglang may demonyong nagpakita sa aking panaginip, sinasakal niya ako sa leeg, pilit ko siyang nilalabanan pero malakas siya, hindi ako makagalaw dahil hinahawakan niya ang aking mga kamay.

Demonic Oppression, Sleep Paralysis
Image: Sleep Cycle

Purong itim ang nilalang na aking nakita at mapula ang mga mata. Kapag nagigising ako ay nawawala siya pero sa oras na nakakatulog ako ay muli siyang bumabalik sa aking panaginip at patuloy akong sinasakal.

Magdamag na ganoon ang nangyari sa akin buong gabi. Halos hindi ako nakatulog hanggang inabutan na ako ng umaga.

At dahil puyat ako ay pinilit ko pa rin matulog kahit umaga na, pero sa tuwing nakakatulog ako ay bumabalik ang demonyo sa aking panaginip at patuloy akong sinasakal.

Gabi-gabi ay ganoon na ang nangyayari sa akin. Medyo nababahala na rin ako ngunit wala akong pinagsabihan. Itinigil ko ang mga ritual na ginagawa ko dahil medyo nangangamba ako sa nararanasan ko lalo at hindi siya nawawala.

Dahil sa mga nararanasan ko ay napilitan akong lumapit sa Diyos, bagay na hindi ko ginagawa, dahil hindi ako palasimba at hindi rin ako maka Diyos.

 
Demonic Oppression, Quiapo Church
Image: Wikimedia Commons

Muli akong bumalik sa Quiapo Church, pumasok sa Simbahan, nagbabakasakali na may makausap na pari.

Sa pag pasok ko sa simbahan ay may isang babae ang biglang lumapit sa akin.

Tinanong nya ako kung kailangan ko raw ng tulong o may problema ako. Nagulat ako sa kanyang mga tanong. Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

Natanong ko tuloy sa aking sarili "Ano ang alam niya?"

Tinanong ko ang babae kung ano ang ibig niyang sabihin. Sinabi niya na sakin pag pasok ko palang daw sa Simbahan ay nakuha ko na ang kanyang atensiyon, nakaramdam siya ng kakaiba at nagtayuan ang kanyang mga balahibo. Umiikot raw kasi ang aking mga mata.

Nagpakilala siya sa akin na isa sa mga taong Simbahan at nagbabantay sa Quiapo Church.

Kinuwento ko sa kanya ang mga nararanasan ko at tinanong niya ako kung gusto ko raw magkumpisal? Napa-oo nalang ako kasi naisip ko na sa paraan na yun ay makakausap ko ang pari.

Pumasok ang confession room sa gilid ng simbahan, isang maliit na kwarto, habang nasa kabilang wall ang pari, hindi ko kita ang kanyang itsura, tanging dingding na may maliliit na butas lang ang aking nkikita.

Tinanong ako ng pari kung ano ang nais kong ikumpisal, kinuwento ko sa kanya ang lahat, na nag-aral ako ng Withcraft, Occult, at sinubukan kong buksan ang aking third eye hanggang sa nakaranas na ako ng kakaibang pangyayari kung saan may isang demonyong itim ang sumasakal sakin gabi-gabi.

Ang naipayo nya lang ay itigil ko ang aking ginagawa at magdasal gabi-gabi. Hindi ko alam kung makakatulong ba ang mga sinabi nya pero nangako ako na gagawin ko.

Pagkatapos ng kumpisal ay lumabas ako ng Simbahan at dumaan sa gilid para bumili ng rosary, pina- Bless ko rin ito sa may office ng Quiapo Church at umuwi na sa dorm.

Pag uwi ko sa dorm ay nahiga agad ako dahil medyo napagod ako sa aking lakad. Hawak-hawak ko ang rosary ng bigla akong nakatulog. Nagpakita na naman ang demonyo, hawak nya ang dalawang kamay ko habang pilit kong inaabot ang rosary sa may uluhan ko.

Sa panaginip ko kasi ay nabitiwan ko ang rosary. Pilit kong nilalabanan ang demonyo at inaabot ang rosary, pero ang lakas niya at hindi ko makaya. Bigla akong nagising. Pag kagising ko ay nakita ko ang rosary na hindi ko hawak malapit siya sa aking uluhan.

Doon na ako nagtaka kung panaginip ba talaga ang nararansan ko o isang totoong pangyayari.

Ganun at ganun pa rin ang nangyayari bawat gabi. Minsan kahit katanghalian at natutulog ako ay umaatake ang demonyo. Unti-unti akong nagkakaroon ng anxiety sa mga nangyayari kaya tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko para magpasama sa dorm, sinabi ko nalang na na bobore ako at gusto ko ng kausap.

Hapon na ng dumating ang kaibigan ko. Madaling araw na pero di pa rin ako dinadalaw ng antok kaya nagdo-DOTA lang ako habang tulog ang aking kaibigan. Napapansin ko na umuungol siya, pero di ko pinapansin kasi baka nananaginip lang, pero habang tumatagal ay lumalakas ng lumalakas ang kanyang ungol kaya ginising ko siya.

Napansin kong pawis na pawis din siya kahit hindi naman mainit sa loob ng room.

Pagkagising niya ay napatingin siya sa akin. May sumasakal daw na kanya sa panaginig.

Napaisip ako at nagtayuan ang aking balahibo. Tinanong ko kung ano ang itsura ng sumasakal sa kanya.

Maiitim daw na nilalang na sobrang pula ng mata. Mas lalo akong nahiwagaan sa nangyari. Dahil sa nangyari ay nawala ang kanyang antok, sinabi nya sakin na siya muna ang maglalaro sa computer. Ako naman ang humiga at natulog.

Sa aking pagtulog ay lumabas na naman ang maitim na nilalang, hindi na nya ako sinasakal kundi hawak na nya ang dalawa kong kamay, pilit ko siyang nilalabanan para makawala sa paghawak niya sa akin, kukunin ko kasi ang rosary sa aking bulsa ngunit napakalakas niya talaga at pinipigilan ako. Pilit kong ginigising ang aking sarili sa pagkatulog pero para akong binabangungot at hindi makagalaw.

Magdamag na ganun ang nangyayari sa akin ngunit hindi ko sinasabi sa aking kaibigan dahil ayaw kong siyang mag-alala o magtanong pa.

Kinaumagahan ay nagpasama ang aking kaibigan sa bahay ng kanyang Tita, may kukunin daw siya, at dahil wala naman akong gagawin ay sumama ako.

Pagdating namin sa bahay ay namangha ako, parang isang museum ang bahay, maraming collection ng statues at mga lumang gamit. Naupo ako sa sala at pumasok ang kaibigan ko sa kwarto ng tita niya. Sa sala ay napapansin kong tingin ng tingin sa akin ang isang babaeng matanda. Lately ko nalaman na siya pala ay kasambahay.

Maya-maya ay lumabas ang mga pinsan ng aking kaibigan at nagkwentuhan kami sa sala. Umupo ang matanda sa aking tabi. Tinanong nya ako kung gusto ko raw magpahula. Napaisip ako at medyo nagtaka. Tinanong ko kung para saaan. Para daw sa mga bagay-bagay kung magiging successful ako sa buhay. Marami raw kasi siyang hinuhulaan. Kaya pumayag naman ako.
Demonic Oppression, Cartomancy
Image: Pinterest

Inilapag nya ang mga baraha sa lamesa na nakataob at pinapili niya ako ng tatlo. Sa unang pili ko ay puro itim ang lumabas na kulay ng napili ko. Hindi siya nagsalita at napatingin sakin ng parang may talim.

Binalasa nya ulit ang mga cards at pinapili ako ng tatlo. Kumuha ako ulit ng tatlong cards. Hindi ko nakita kong ano ang mga napili ko kasi siya ang unang tumingin, medyo matagal niyang tinitingnan ang tatlong cards at tumungin siya sa akin at ipinakita ang cards. Tatlong 6 ang nasa cards. 666.... May ilang segundo siyang nakatingin sa akin at sabay nagtanong..

"May tinatago ka ba iho?"

Napasagot ako "Paano pong tinatago?"

Muli siyang nagsalita "May kakaiba sa iyo, pagpasok mo palang sa pinto ay nagtayuan na ang aking balahibo. May parang itim na aura at itim na manipis na usok ang bumabalot sa iyong buong katawan kaya hindi kita inaalisan ng tingin kung napapansin mo."


Doon ko na naikwento ang tungkol sa Black Magic, kinuwento ko sa matanda na nag-aaral ako ng Black Magic at Occult. Kinuwento ko rin ang mga kakaiba kong nararanasan.

Nanlaki ang kanyang mga mata at parang hindi alam ang sasabahin. Ang nasabi niya nalang ay magbalik-loob daw ako habang hindi pa tuluyang nakukuha ng mga demonyo ang aking katawan.

Pagkatapos ay iniwan nya kami para ituloy ang kanyang ginagawa.

Demonic Oppression, Black Aura
Image: Second Life Marketplace

Pumunta kami sa dining table upang kumain. Doon ay tinuloy namin ang kwentuhan ng mga pinsan ng kaibigan ko. Nasabi sakin ng babaeng pinsan ng kaibigan ko na pagpasok ko raw sa pinto ay parang hindi nya gaanong maaninag ang aking mukha, para daw blurred na natatakpan ng madilim na usok na hindi niya maintindihan, pareho sa nakita ng kasambahay nila. Doon na rin nalaman ng kaibigan ko ang mga nangyayari sa akin.

Maghahapon na at pauwi na kami ng tinanong niya ako kung gusto kong sa kanila na muna ako magstay para may kasama ako. Hindi na ako nagdalawang-isip. Pumunta muna kami sa dorm para kumuha ng damit at pumunta na sa kanila.

Sa kanila, ay ganoon pa rin ang aking nararanasan tuwing gabi. Halos hindi ako makatulog dahil hindi ako tinatantanan ng demonyo sa aking panaginip kapag nakakatulog ako. Lagi rin akong puyat at pakiramdam ko bumabagsak ang aking katawan, lumalala na rin ang aking anxiety.

Sa totoo lang ay medyo nahihirapan na ako sa nangyayari kahit nasasanay ako. Kaya nag decide akong umuwi muna sa province sa amin.

Sa probinsya ay mas lalong lumala ang lahat. Halos hindi na ako pinapatulog ng maitim na nilalang. Mahigit 3 months na rin ang nararanasan kong kakaiba pero wala akong pinagsabihan kahit sino sa pamilya ko, ang tanging nakakaalam lang ay ang kaibigan ko at relatives niya.

Pakiramdam ko ay magme-mental breakdown na ako sa mga nangyayari, pumasok sa isip ko na mag pa exorcise na dahil baka napapossessed na ako ng demonyo. Pero hindi ko alam kung paano ang gagawin.

Pakiramdam ko ay pinapahina niya ang aking katawan para makuha ako. Ngunit patuloy akong lumalaban.
Demonic Oppression
Image: Focus on the Family

Niresearch ko sa internet ang Demonic Possession. Para pala ma possessed ka ng isang demonyo ay kailangan muna niyang pahinain ang inyo katawan at pag-iisip o mas kilala sa tawag na Demonic Opression. Inisip ko na baka ganoon na ang nangyayari sa akin.

Isang araw ay parang di ko na talaga kakayanin ang lahat, gusto ko ng sumuko pero hindi pwede kasi kung susuko ako ay baka mawala ako. Biglang pumasok sa isip ko na hindi totoo ang mga nangyayari, kailangan kong gumising sa katotohanan na imahinasyon lang ang lahat, na hindi totoo ang demonyo sa aking panaginip, na hindi totoo ang mga nararanasan at nakikita ko.

Laking gulat ko ng mga sumunod na araw. Simula noon ay nawala ang demonyo sa aking panaginip, bumalik ang lahat sa normal. Nakakatulog na rin ako ng mahimbing at wala ng gumugulo sa akin. Nakakaranas pa rin ako ng pailan-ilang sleep paralysis pero wala na ang nilalang hindi tulad ng dati.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung Demonic Oppression talaga ang naranasan ko 10 years ago o isang psychological lang. Dahil kung Psychological siya, paano ko maeexplain ang mga naranasan ng ibang tao sa akin.

No comments:

Post a Comment

Studies Reveal Being Kind May Help You Age Gracefully

  Studies about kindness have shown that people who are kind to others have a lower risk of having anxiety and depression, remarkable findin...